AABOT na sa 42 milyong Pilipino ang nagpalista para sa national ID, ayon kay National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Karl Chua.
Ayon kay Chua sa isinagawang briefing kasama si Pangulong Duterte, umabot na sa 41,970,083 Pililipino ang nagpatala sa Philippine Identification System (PhilSys) para makakuha ng national ID.
Ito ay base sa datos na nakuha noong Setyembre 3, kabila na ang isinagawang Step 1 na door-to-door collection ng mga impormasyon ng mga nasa low-income households at appointment setting na nasa ilalim ng Step 2.
Ayon pa sa opisyal, umabot na sa 28,682,680 indibidwal ang nakakumpleto na ng Step 2 registration na kinabibilangan nang pagpunta sa registration center at pagbibigay ng biometric information.
Samantala, may 1,584,621 Pinoy na ang nakakuha na kanilang mga ID.