4 kidnaper utas sa QC shootout

APAT na lalaki na hinihinalang miyembro ng kidnapping group ang nasawi matapos makipagbarilan sa pulisya Lunes ng gabi sa Brgy. Old Balara, Quezon City.

Isa sa mga nasawi ay ang sinasabing lider ng isang carnapping group na si Wilber Bonilia.

Dead on the spot si Bonilia at tatlong kasamahan nito matapos makipagbarilan sa Capitol Hills.

Ayon kay Police Col. Villaflor Bannawagan, hepe ng PNP-AKG Luzon Field Unit, nauwi sa barilan matapos hindi huminto sa checkpoint ang mga suspek na sakay ng isang van, dahilan para habulin sila ng mga pulis.

Pinaputukan ng mga suspek at mga pulis dahilan para gumanti ang mga ito na nagresulta sa pagkamatay ng apat.

Bago ito, dinukot umano ng mga suspek ang dalawang lalaki na napag-alaman na mga tauhan ng isang negosyante na siya namang target ng grupo.

Nakumpiska matapos ang engkuwentro ang isang M16 rifle, isang calibre .38 na baril, at isa pang baril at mga basyo ng bala.