KUMPIRMADO na may apat na kaso ng “walking pneumonia” ang naitala sa bansa ngayong taon, ayon sa Department of Health.
Gayunman, nilinaw ng DOH na isolated lang ang apat na kaso ng Mycoplasma pneumoniae o “walking pneumonia” na sinasabing unang naitala sa China.
Sa kalatas, sinabi ng DOH, na ang isang kaso nito ay naitala noon pang Enero, habang ang isa ay noong Hulyo at dalawa nitong Setyembre.
Ang mga impeksyon ay nakita sa mga indibidwal na nagkaroon ng influenza-like illness (ILI).
Sa kabila nito, nilinaw ng DOH na ang Mycoplasma pneumoniae ay hindi bagong pathogen at kasama na sa mga nakikita sa mga nagkakasakit ng ILI.
Mycoplasma pneumoniae ay isang bacterial infection na nagdudulot ng damage sa respiratory system na meron nito. Maaaring ang isang indibidwal ay meron nito sa kanyang ilong at lalamunan ngunit hindi nagdi-display ng anumang sintomas.