4 bagets na-scam ng P10K sa BINI concert

DUMULOG sa himpilan ng pulisya ang apat na kabataan na natangayan ng P10,000 ng scammer na pinangakuan sila ng exclusive photo kasama ang Pinoy pop group na BINI.

Ayon sa mga biktima, nilapitan sila ng lalaki na nagpakilalang isa sa mga nasa likod ng concert ng BINI sa Cebu City noong Linggo ng gabi.

Sinabi umano ng lalaki na sa halagang P10,000 ay makakasama ng grupo ang BINI members sa isang ekslusibong picture.

Pumayag naman ang grupo at pinaghatian ang nasabing halaga. Na-realize lamang nilang nagoyo sila nang matapos ang concert ay hindi na sila binalikan ng nasabing lalaki. “Inumaga na kami sa kahihintay,” anila.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek, na nakuhanan ng photo ng mga biktima.