3 bangkay ibinalagbag sa kalsada

TATLONG lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa Rizal.

Sa ulat, natagpuan ang unang biktima alas-4 ng madaling araw sa M.H. del Pilar st., Brgy. San Rafael, Rodriguez.

Nadiskubre ang katawan ng biktima sa loob ng garbage bag na iniwan sa gilid ng kalsada. Nakatali ang mga kamay at paa ng biktima.

Alas-11:30 naman ng gabi nang matagpuan ang dalawa pang bangkay sa May Puso Ave., Brgy. Kalayaan, Angono.

Tadtad ng tama ng bala ang katawan ng mga biktima na itinapon sa gilid ng kalsada.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa mga biktima at kung iisa lang ang nasa likod ng mga pagpatay.