NASA 2,000 miyembro ng Philippine National Police ang lumusob sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Buhangin District, Davao City, Sabado ng madaling araw.
Sa kabila ng paghalughog, bigo pa rin ang pulisya na mahagilap ang wanted na founder ng KOJC na si Pastor Apollo Quiboloy at iba pang miyembro nito.
Nahaharap si Quibiloy at ilang miyembro sa patong-patong na kaso na child abuse at human trafficking.
Dumating ang mga pulis alas-4 ng madaling araw.
Nitong Biyernes, binatikos ni Senate President Chiz Escudero ang pulisya sa pagkakabigo nitong hanapin at arestuhin si Quiboloy.
Iniutos ng dalawang korte sa Davao at Pasig na arestuhin si Quiboloy at limang iba pa dahil sa kasong sexual abuse at qualified human trafficking cases.
Noong Marso, iniutos rin ng Senado na arestuhin si Quiboloy dahil sa pagtanggi nitong humarap sa pagdinig hinggil sa mga alegasyong ibinabato laban sa kanya.