KINAIINGGITAN ng ilang netizens ang 26-anyos na lalaki na binigyan ng P10,000 cash makaraang sumailalim sa libreng tuli na proyekto ng lokal na pamahalaan ng Lapu-lapu City, Cebu noong Biyernes.
Ayon sa ulat, binigyan ng insentibo si alyas Alfredo Jr. ng Brgy. Basak dahil siya ang pinakamatanda sa lahat ng mga nagpatuli.
Tumulong sa pagtutuli kay alyas Alfredo Jr. si Binibining Lapu-lapu 2022 si Cheron Kishes Co, isang nurse.
Ayon kay Mayor Junard “Ahong” Chan, dinala sa isang silid ang lalaki para doon tuliin.
“Hindi siya pwedeng ihalo sa mga bata,” sambit ng alkalde.
Dahil sa tinamong suwerte ni alyas Alfredo Jr. ay maraming netizens ang nagbiro na sana’y hindi sila nagpatuli noong kanilang kabataan para nabigyan din sila sa insentibo.
Ginanap ang free circumcision sa Hoops Dome sa Humay-humay Road.