MAY 25 bus, jeep at van ang hinarang sa Quezon City at Paranaque dahil sa hindi pagsunod sa 50% seating capacity na ipinaiiral sa mga pampublikng sasakyan na ipinaiiral sa enhanced community quarantine (ECQ).
Tiniketan ng Inter-Agency Council for Traffic (i-ACT) ang 25 na PUVs dahil sa physical distancing violation sa Commonwealth Avenue sa Quezon City at Aseana Avenue sa Parañaque Lunes ng hapon.
Huli ng mga nag-inspeksyong enforcer ang hindi pagsunod sa one-seat apart guideline na itinakda para sa mga commuter.
Nasa hanggang 30 lang ang maaaring makasakay sa mga bus at mas mababa sa 10 ang laman sa jeep.
Dahil dito, pinababa ang mga sobrang sakay na pasahero na apektado rin ng kakulangan ng sasakyan papasok sa trabaho at pauwi sa kanilang mga tahanan.