SINIBAK sa pwesto ang hepe ng isang police station sa Quezon City at dalawang tauhan nito na siya umanong nagpakalat ng video ng yumaong beteranong aktor na si Ronaldo Valdez sa social media.
“Two [police personnel] were relieved. One first responder and one uploader to the Viber group, while the station commander is also relieved under the doctrine of command responsibility,” pahayag ni Quezon City Police District (QCPD) chief Director Brigadier General Red Maranan sa interview ng Inquirer.net.
Namatay si Valdez Linggo ng hapon sa kanilang bahay sa Quezon City.
Sa isang pahayag ng QCPD, iniimbestigahan na nila ang pagkamatay ng aktor na una nang naiulat na natagpuang duguan at may tama ng bala sa ulo habang ang kamay nito ay may hawak na baril.