POSIBLENG kasama sa mga dinukot ng Hamas group ang dalawang Pinoy na hanggang ngayon ay hindi pa rin matagpuan.
Sa isang press conference, sinabi ni Israeli Ambassador Ilan Fluss na hindi niya matiyak ang kalagayan ng dalawang Pinoy na nawawala dahil wala pa umanong pinal at eksaktong impormasyon na nakakarating sa kanya.
Sa report ng Reuters, ayon umano sa Israeli government hawak ng Hamas group ang may 220 katao, kabilang dito ang ilang mga foreigners kasama na ang mga Pinoy.
“We know that there are two missing and we’re not able to identify them. Because of the atrocities and burning of the bodies (during the attack) there’s still some bodies that have not yet been identified,” ayon kay Fluss.
“So it is likely that there are two OFWs (overseas Filipino workers) that have been kidnapped. But I’m saying this, it is likely,” dagdag pa niya.