2 naiulat na nawawala matapos gumuho construction site sa Laguna

GUMUHO ang isang bahagi ng itinatayong gusali sa barangay Sto. Domingo sa Santa Rosa, Laguna ngayong Linggo.

Dali-dali namang sumugod ang mga responde para hagilapin ang sinasabing dalawa katao na natabunan diumano sa gumuhong construction.

Batay sa ulat, kasalukuyang isinasagawa ang pagbubuhos ng semento sa construction site na matatagpuan malapit sa CALAX Entry Toll Plaza sa Barangay Santo Domingo nang biglang bumigay ang istruktura.

Sinabi ni Sta. Rosa City Police Chief PLtCol. Benson Pimentel, wala pang tiyak na bilang kung ilang manggagawa ang natabunan sa insidente habang patuloy pa rin ang imbestigasyon at operasyon sa site.