MAS mauuna ang pangalan ni Francis Leo Antonio Marcos kay Imee Marcos sa official ballot sa darating na May 2025 elections.
Ito ang pahayag ni Commission on Elections (Comelec) George Garcia sa panayam ngayong Miyerkules.
“F comes first ahead of I. In such a case, Mr. Marcos will be listed ahead of Sen. Imee,” ani Garcia. Ito anya base sa alphabetical ang arrangement ng mga pangalan para sa mga kandidato ng senador.
Nitong Martes, nag-isyu ang Korte Suprema ng temporary restarting order (TRO) laban sa Comelec na nagdedeklara kay Francis Marcos na nuisance.