2 kelot sinalvage sa beach

DALAWANG bangkay ng lalaki, na pinaniniwalaang biktima ng summary execution, ang natagpuan sa baybayin ng San Vicente, Palawan nitong Sabado, iniulat ng pulisya.

Naaagnas na ang katawan ng mga biktima nang madiskubre ng mga residente ng Sitio Daplac, Brgy. Poblacion.

Kinilala ang mga nasawi na sina John de Vera,  29, at Alvin Lumibao, 38, kapwa ng Puerto Princesa City at naninirahan sa Boayan Island, Brgy. Poblacion.

Natagpuan sa tabi ng isa sa mga bangkay ang basyo ng 12-gauge shotgun. Narekober din sa lugar ang bangka at mga personal na gamit ng dalawa.

Inaalam pa ng otoridad ang pagkakakilanlan ng nasa likod ng pagpatay at ng motibo.

Isasailam sa autopsy ang mga biktima para madetermina ang ikinamatay ng mga ito.