2 kelot grinipuhan ng estudyante

BAGSAK sa kulungan ang 19-anyos na estudyante na sumaksak umano sa dalawang kaaway sa Novaliches, Quezon City nitong Sabado ng umaga.

Nahaharap sa kasong frustrated homicide ang suspek na si Jay-mark Caliguiran, residente sa Nenita Interior, RP Brgy. Gulod, Novaliches, ayon sa pulisya.

Kapwa nagtamo ng saksak ang mga biktimang sina Voborge Magpayo, 21, ng Lower Baluyot, Brgy. Sauyo, at Eugene Navarro, 23, ng Old Paliguan, Brgy. Bagbag.

Sa ulat, sinaksak ni Caliguiran ang mga biktima sa gitna ng pagtatalo sa kanto ng Seminary road at Quirino Highway, Brgy. Bagbag ala-1:30 ng madaling araw.

Tatakas pa sana ang suspek pero nasakote ito ng mga rumespondeng alagad ng batas.

Kasalukuyang ginagamot sa Novaliches District Hospital at Chinese General Hospital ang mga biktima.