ITINANGGI ng Department of Education (DepEd) ang ulat ng isang radio station sa Sta. Barbara, Iloilo na nasawi sa heatstroke ang dalawang guro habang nagkaklase.
Sa kalatas, tinukoy ng DepEd na “highly inaccurate and misleading” ang Facebook post ng XFM Radyo Patrol Iloilo, kaugnay sa ulat nito na “2 Maestra patay sang na heatstroke samtang nagaklase” (2 teachers die due to heatstroke while conducting classes).
“According to the Schools Division Office concerned, no teacher was reported to have died due to heatstroke,” pahayag ng kagawaran.
Base sa ulat na nakarating sa DepEd, namatay ang isa sa mga guro noong nakaraang Pebrero dahil sa hypertension habang ang ikalawa nasawi sa aneurysm nitong Marso. Kapwa nasa kanilang tahanan ang mga guro nang sumakabilang-buhay.
“It is unfortunate that certain news outlets resort to sensationalizing the death of our teachers at the expense of true and factual reporting,” sabi ng kagawaran.
Naghatid naman ng pakikiramay ang DepEd sa mga naulila ng dalawang guro.