TINATAYANG 149 katao ang nasawi habang mahigit pa sa 150 ang nasugatan matapos magkaroon ng stampede sa isinasagawang Halloween party sa Itaewon district sa Seoul, South Korea, Sabado ng gabi.
Ayon kay Choi Sung-beom, pinuno ng Yongsan Fire Station, karamihan sa mga nasugatan ay nasa kritikal na kondisyon at ngayon ay patuloy na binibigyan ng emergency treatment.
Ito ang kauna-unahang Halloween event sa Seoul sa nakalipas na tatlong taon dahil sa pandemya dala ng coronavirus disease.
Naganap ang insidente alas 10:20 ng gabi matapos marami sa mga dumalo ay unti-unting naging magulo. Karamihan sa mga nasawi ay malapit sa isang nightclub.
Ayon pa kay Choi, karamihan sa mga biktima ay mga kababaihan na nasa 20s.