NAG-deploy ng 1,400 pulis sa buong kamaynilaan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para siguruhin ang kaligtasan at kapayapaan sa pagsisimula ng filing ng Certificate of Candidacy (COC) simula bukas (Okt. 1) hanggang Oktubre 8, 2024.
Ipapakalat ang mga pulis sa mga designated locations, kabilan na ang mga Comelec offices at iba pang lugar, ayon kay NCRPO chief Jose Melencio Nartatez Jr.
Inatasan na rin ni Nartatez ang lahat ng district directors sa Metro Manila na magtalaga ng mga tauhan para sa crowd control at pagsasaayos ng traffic.
Maging ang pag-set up ng mga help desk na tutulong sa mga kandidato at publiko ay iniutos din ng opisyal.
“Let us all work together to make this crucial step in our democratic process peaceful and orderly,” ayon kay Nartatez.