SINABI ng World Health Organization (WHO) na isa sa anim na tao sa mundo o 17.5 porsiyento ang nakararanas ng infertility o pagkabaog.
Ayon pa sa tala ng WHO, 17.8 porsiyento ng mga kaso ng infertility ay mula sa high-income countries at 16.5 porsiyento naman sa low at middle-income countries.
“The report reveals an important truth: infertility does not discriminate. The sheer proportion of people affected show the need to widen access to fertility care and ensure this issue is no longer sidelined in health research and policy, so that safe, effective, and affordable ways to attain parenthood are available for those who seek it,” sabi ni WHO Director-General Dr Tedros Adhanom Ghebreyesus.
Ayon sa WHO, ang infertility ay isang sakit sa reproductive system ng isang lalaki at babae. “Millions of people face catastrophic healthcare costs after seeking treatment for infertility, making this a major equity issue and all too often, a medical poverty trap for those affected,” dagdag ni WHO Sexual and Reproductive Health and Research Director Dr. Pascale Allotey.