UMAPAW sa 1.5 milyon katao ang riverside park sa Lisbon Sabado ng gabi nang isagawa ang vigil na pinangunahan ni Pope Francis bilang bahagi ng pagdiriwang ng Worl Youth Festival.
Masayang binati ng mga deboto ang 86-anyos na Papa habang pumarada ito gamit ang kanyang “popemobile” sa Parque Tejo sa Lisbon.
“We are the pope’s youths!” sigaw ng mga deboto habang dumaraan si Francis.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Francis na kailangin tumayo ang bawat isa sa sandaling makaranas sila ng pagdurusa sa buhay.
“Those who remain on the ground have retired from life, have lost their hopes and dreams,” dagdag pa nito.
Ilang drones din ang pinalipad para isulat ang mensahe na “rise up” at “follow me” sa kalangitan habang nagbibigay ng mensahe ang Papa.