INILABAS ngayong araw ang huling yugto ng “Attack on Titan” (Shingeki no Kyojin), ang popular na manga series, matapos ang mahigit 11 taon pagpapasaya sa mga otaku sa buong mundo.
Mababasa ang ika-139 at huling yugto ng kwento ni Eren Yeager at ng mga higanteng halimaw sa May issue ng Bessatsu Shonen Magazine.
Likha ni Hajime Isayama, ang “Attack on Titan” ay sinimulang i-serialize sa nasabing magazine noong Setyembre 2009.
Nagpasalamat naman si Isayama sa mga fans na walang sawang pagtangkilik sa serye sa pamamagitan ng dalawang illustration.
Umiikot ang kwento ng manga series kay Eren at ang pakikipaglaban niya sa mga Titans o mga higanteng nangangain ng tao.
Noong 2018 ay naiulat na gagawin itong pelikula sa Hollywood at ididirek ni Andy Muschietti, ang nagdirek ng mga horror blockbusters na “It” at “It Chapter 2”.
Samantala, malapit na rin magtapos ang ika-apat at huling season ng anime adaptation nito na nagsimulang ipalabas noong 2013.