PUMANAW na ang tinaguriang “father of Sudoku” dahil sa cancer, ayon sa kanyang publisher. Siya ay 69.
Sa ulat ng AFP, si Maki Kaji, ang nagpantayag sa brainteaser na Sudoku na kinagiliwan ng marami sa buong mundo, ay pumanaw sa kanilang tahanan nitong Agosto 10 matapos ang laban sa cancer.
“Mr Kaji was known as the father of Sudoku and was loved by puzzle fans all around the world,” ayon sa kalatas ng publisher na Nikoli.
Ang Sudoku, na isang numerical crssoword ay naimbento noong 18th centurt ng Swiss mathematician na si Leonhard Euler.
Sinasabing naging popular ang modern version nito dahil kay Kaji. At sinasabing siya ang nagbigay ng pangalang “Sudoku” nasabing laro.