‘Du30 di minamaliit paghihirap ng publiko sa Covid-19’

IGINIIT ni presidential spokesman Harry Roque na hindi minamaliit ni Pangulong Duterte ang paghihirap na dinadanas ng mga Pilipino dahil sa Covid-19.

Ani Roque, mali ang intindi ng ilan sa sinabini Duterte na “maliit na bagay lang” ang pandemya.

Paliwanag niya: “Hindi minamaliit ng President ang paghihirap ng sambayanan. Ang sinasabi po niya, babangon po tayo, at malapit na po iyan dahil parating na ang mga bakuna. Ang sinasabi niya, temporary po iyan, ‘di iyan forever, lilipas din iyan.”