193,000 Pfizer dumating na sa Pinas

DUMATING na ang 193,050 doses ng Pfizer sa Pilipinas mula sa donasyon ng COVAX facility.

Pasado alas-9 ng gabi nitong Lunes nang mag-landing ang DHL Plane flight LD457 sa NAIA Terminal 2, Pasay City na siyang naghatid ng Pfizer.

Nakatakdang ipamahagi ang mga ito sa National Capital Region, Cebu City at Davao City na may storage facility na negative 70 centigrade.