Guro tinuklaw ng kobra, todas

PATAY ang guro sa isang elementary school sa San Luis, Aurora makaraang matuklaw ng kobra sa loob ng paaralan.


Ayon sa ulat, agad namang naitakbo sa ospital ang biktimang si Rizza Laureano, 49, subalit namatay ito dahil wala umanong gamot na anti-venom ang pagamutan.


Base sa imbestigasyon ng pulisya, palabas ng toilet ang guro nang tuklawin siya ng ahas na nasa ibabaw ng aparador.


Sinabi ng otoridad na isang Philippine Cobra ang tumuklaw sa biktima.


Hindi naman sinabi sa ulat kung ano ang nangyari sa ahas.