NAGHAIN ng reklamo ang Kapisanan ng mga Social Media Broadcaster ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI) laban sa vlogger na si Toni Fowler.
Ayon sa ulat, inasunto si Toni ng paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code in Relation to Cybercrime Prevention Act of 2012 sa Pasay City Prosecutor’s Office bunsod ng mga malalaswang content nito.
Sinabi ni KSMBPI, may koneksyon ang kaso sa mga mahahalay na video at lyrics ng mga kanta ni Toni na “Ma***bog Pag Lasing,” “Masarap Na Mommy,” at “Fake Friends.”
Sey ng grupo, walang puwang si Toni at ang kanyang mga kanta sa social media dahil maraming kabataan ang gumagamit nito.
Matatandaan na kinasuhan din ng KSMBPI ang magpartner na Vice Ganda at Ion Perez kaugnay ng pagdila nila sa icing sa noontime show na “It’s Showtime.”