SUMAKABILANG-buhay ang dating alkalde ng Marikina City na si Bayani Fernando ngayong Biyernes. Siya ay 77.
Isinugod sa Quirino Memorial Hospital ang dating mayor at chairman ng Metropolitan Manila Development Authority at doon binawian ng buhay.
Ayon sa mga naunang balita, nahulog diumano si Fernando mula sa bubong ng kanilang bahay.
Bago naging MMDA chair, nagsilbi bilang mayor ng Marikina si Fernando mula 1992 hanggang 2001.
Naupo naman siyang MMDA chair mula 2002 hanggang 2009.
Naging kongresista rin siya mula 2016 hanggang 2022.
Matatandaan na tumakbo rin siyang bise presidente noong 2010.