PINIRMAHAN ni Pangulong Bongbong Marcos bilang batas ang Republic Act No. 11953 o ang New Agrarian Emancipation Act, na kabilang sa mga ipinangako niya sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA).
Sa ilalim ng RA No.11953 sasagutin na ng pamahalaan ang P57.56 bilyong pagkakautang ng 610,054 magsasaka sa Land Bank.
Sa ilalim ng mga naunang batas, babayaran ng mga benepisyaryo ng land reform ang mga kanilang lupa sa pamamagitan ng taunang installment na may anim na porsiyentong interes na babayaran sa loob ng 30 taon.
Pinawi naman ni Marcos ang pangamba na ipagbibili lamang ng mga magsasaka ang kanilang lupa.
“Ang nagiging dahilan kung bakit ang nabibigyan ng titulo ay ipinagbibili kaagad ‘yung lupa nila ay dahil wala silang pambayad ng inputs, hindi sila makautang, wala silang pagkukuhanan ng binhi, wala silang pagkukuhanan ng fertilizer, ng pesticide. Wala silang pambili,” aniya.