Duterte nagpabakuna vs COVID

NAGPABAKUNA na si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa COVID-19 Lunes ng gabi sa Malacanang.

Unang dose ng Sinopharm mula sa China ang tinanggap ng 76-anyos na pangulo. Kabilang si Duterte A2 priority group para sa vaccination.

Si Health Secretary Francisco Duque III ang nag-administer nang pagbakuna kay Duterte, base sa Facebook video na pinost ni Senador Bong Go, na dating alalay ng pangulo.