MATINDING init ang naranasan ng Zambales nitong Linggo matapos makapagtala ng 53 degrees Celsius na extreme danger na heat index.
Ito na ang pinakamataas na heat index na natala ngayong taon, ayon sa weather bureau.
Sa nakalipas na apat na araw, nasa pagitan ng 42 at 43 degrees Celsius lang ang heat index sa probinsya.
Ngayong Lunes hanggang Martes, nasa 42 at 43 degrees Celsius ang inaasahang heat index na mararamdaman dito.
Ang heat index ay ang siyang temperatura na nararamdaman ng katawan base sa humidity, na ayon sa mga eksperto ay nasusukat sa dami ng water vapor ang meron sa water-air mixture.
Sa Baguio, nanatili ang “caution” level nito na 27 hanggang 32 degrees Celsius.