LALO pang lumakas si “Carina” matapos itong mag-level up bilang tropical storm mula sa pagiging tropical depression Sabado ng hapon.
Sa 5 p.m. weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), posibleng maging severe tropical storm pa ito sa Lunes o Martes.
“Carina is forecast to steadily intensify and reach severe tropical storm by Monday. Beginning on Monday, the tropical cyclone will likely intensify further at a faster rate, eventually reaching typhoon category on Tuesday,” ayon sa Pagasa.
Huling namataas si “Carina” 510 kilometro silangan-hilagang silangan ng Virac, Catanduanes, na may taglay na hangin na 55 kilometers per hour malapit sa gitna, pagbugso na 70 kph habang tumatakbo patungong kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
Palalakasin di ni “Carina” ang habagat at tropical depression na nasa labas na ng Philippine area of responsibility.
Inaasahan ang pag-ulan sa Zambales, Bataan and Kalayaan Islands sa Sunday at sa Lunes naman sa Metro Manila, Ilocos region, Zambales, Bataan, Batangas, Cavite, Occidental Mindoro and Northern Palawan.