PAPASOK sa Philippine Area of Responsibility ang Tropical Cyclone na Ferdie (international name Bebinca) sa Biyernes at inaasahan na lalakas ito at mag-develop bilang typhoon.
Ito ang ika anim na tropical cyclone na papasok sa bansa ngayong taon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Inaasahan naman na hindi ito mgatatagal sa bansa at aalis ito sa PAR sa Sabado.
Sa briefing nitong Huwebes, sinabi ni Obet Badrina ng Pagasa na nakararanas na ng makulimlim na kalangitan at pag-ulan ang Eastern Visayas, Bicol at Caraga.
“There is a small chance that the cyclone will make landfall in the country, but it will enhance the southwest monsoon as it moves northwestward,” ayon kay Badrina.
Inaasahan na ang pag-ulan dahil sa habagat ang Central Luzon, Metro Manila, Calabarzon at Mimaropa.
Mabigat na pag-ulan naman ang mararanasan sa hilaga at kanlurang bahagi ng Mindanao, ayon pa sa Pagasa.