SA katapusan ng buwan hanggang kalagitnaan ng Hunyo ay mararamdaman na ang epekto ng southwest monsoon o habagat, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
“Nakikita natin na posible na ‘yung last week ng May or midweek ng June for the onset of southwest monsoon,” ani Ezra Bulquerin ng Pagasa.
Wala naman itong nakikitang sama ng panahon sa loob ng tatlo hanggang limang araw.
Samantala, sinabi ng weather bureau na makararanas pa rin ng maaliwalas at maalinsangang panahon bagaman posible ang pag-ulan sa hapon hanggang gabi.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers dulot ng easterlies at localized thunderstorm.