SINABI ni Surigao City Mayor Ernesto Matugas na “100 percent damaged” ang kanilang lungsod dahil sa bagyong Odette.
“Yes sa mga national agencies, please kailangan po namin ng inyong tulong, mga relief goods, help para sa mga clearing and pagbalik ng mga essential utilities dito po sa city. Talaga pong, halos nakikita ko, 100 percent ang pinsala,” ayon kay Matugas.
“Mostly lahat talaga may damage ‘no, wala nang bubong. Access sa road, mga landlside, until now we’re trying to check every area ‘no, kung ano yung mga damages,” dagdag pa ng alkalde.
Inaalam pa ng lokal na pamahalaan kung may mga nasaw dahil sa bagyo.
“Wala rin kaming communication, but meron pong isang report, which they have to verify it ‘no na natabunan daw ng mga debris,” ani Mugas.
“Sa tingin ko rin, naka-prepare kami. Hindi pa namin alam kung talagang gaano karami ang casualty namin, pero dito sa city, marami kaming niligtas na mga buhay.”
Umaapela rin ng tulong si Mugas para sa mga residente ng Surigao.
“Halos lahat ‘no, food, non-food-items, yeah rescue, clearing team, number one [yung] clearing team and mabalik agad yung communications.”