ITINAAS na ang Signal No. 3 sa Metro Manila sa harap ng pananalasa ng bagyong Paeng, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Alas-8 ng umaga, tumawid si ‘Paeng’ sa Bondoc Peninsula sa Southern Quezon.
Bukod sa Metro Manila, nakataas rin ang signal number 3 sa western portion ng Camarines Sur, kabilang na ang Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot, Cabusao, Pasacao, Libmanan, at Pamplona, Marinduque, Quezon, kasama ang Pollilo Islands, Laguna, Batangas, Cavite, at Rizal.
Nakataas naman ang signal number 2 sa Catanduanes, Albay, western portion ng Sorsogon, kasama na ang Pilar, Castilla, at Donsol, western portion ng Masbate, kabilang ang Aroroy, Baleno, at Mandaon, gayundin ang Burias Island, southern portion ng Aurora, kabilang ang San Luis, Baler, Dingalan, at Maria Aurora, Bulacan, Pampanga, Bataan, Tarlac, Zambales, Nueva Ecija, Pangasinan, lalabing bahagi ng Camarines Sur, Romblon, Oriental Mindoro, at Occidental Mindoro, kasama ang Lubang Islands.
Signal number 1 naman sa Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Kalinga, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Ilocos Sur, La Union, nalalabing bahagi ng Aurora, nalalabing bahagi ng Sorsogon, nalalabing bahagi ng Masbate, kasama na ang Ticao Island, at hilagang bahagi ng Palawan, kasama ang El Nido, Taytay, Dumaran, Araceli, Roxas, at San Vicente, gayung din ang Calamian at Cuyo Islands.
Sa Visayas, nakataas din ang signal number 1 sa Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Cebu, kasama ang Bantayan ang Camotes Islands, Bohol, Negros Occidental, Negros Oriental, Guimaras, Aklan, Antique, Capiz, at Iloilo.
“Heavy to intense with at times torrential rains likely over Metro Manila, CALABARZON, Marinduque, Romblon, Mindoro Provinces, and the northern portion of Palawan including Calamian and Cuyo Islands. Moderate to heavy with at times intense rains likely over mainland Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Western Visayas, Aurora, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Bataan, and Camarines Provinces. Light to moderate with at times heavy rains possible over Ilocos Region and the rest of Visayas, Central Luzon, and Bicol Region,” sabi ng PAGASA.