ISINAILALIM sa Signal No. 2 ang apat na probinsya sa Luzon makaraang maging ganap na bagyo ang tropical depression “Florita” ngayong araw.
Ayon sa 11 a.m. bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), namataan ang sentro ng tropical storm sa layong 215 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora at kumikilos pa-kanlauran timog-kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.
Taglay nito ang hangin na kumikilos sa bilis na 215 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong 265 kilometro kada oras.
Inaasahan ng Pagasa na magla-landfall ang bagyo sa silangang baybayin ng Cagayan o hilagang Isabela bukas.
“Further intensification is likely prior to its landfall,” dagdag ng weather bureau.
Itinaas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa mga sumusunod na lugar:
Silangang bahagi ng Cagayan (Enrile, Tuguegarao City, Peñablanca, Iguig, Baggao, Gattaran, Lal-Lo, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, Santa Ana)
Silangan at gitnang bahagi ng Isabela (Cabagan, San Pablo, Santa Maria, Maconacon, Divilacan, Palanan, San Mariano, Ilagan City, Delfin Albano, Tumauini, Santo Tomas, Quezon, Mallig, Roxas, Quirino, San Manuel, Aurora, Cabatuan, Luna, Burgos, Gamu, Reina Mercedes, City of Cauayan, Alicia, San Isidro, Echague, Jones, San Agustin, San Guillermo, Angadanan, Naguilian, Benito Soliven, Dinapigue)
Pinakahilagang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran)
Hilagang-silangan ng Quirino (Maddela)
Signal No. 1 naman sa mga sumusunod:
Nalalabing bahagi ng Cagayan
Nalalabing bahagi ng Isabela
Nalalabing bahagi ng Quirino
Nueva Vizcaya
Apayao
Abra
Kalinga
Mountain Province
Ifugao
Benguet
La Union
Ilocos Norte
Ilocos Sur
Hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora, San Luis)
Hilagang bahagi ng Polillo Island (Panukulan, Burdeos)