NASA pagitan ng 13 at 16 tropical cyclone ang posibleng pumasok o mabuo sa loob ng area of responsibility ng bansa hanggang sa katapusan ng taon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Sinabi ni Pagasa-Climate Monitoring and Prediction Section (CLIMPS) officer-in-charge Ana Liza Solis na may posibilidad na maging mapaminsala ang ilan sa mga bagyo.
Ipinaliwanag ni Solis na mayroong dalawang “extreme events” para makunsidera na mapaminsala ang isang bagyo: malakas na hangin at walang tigil na ulan.
Ginawa ni Solis ang pahayag sa gitna ng lumalaking posibilidad na manalasa ang La Niña sa ikatlong quarter ng taon o mula Hunyo hanggang Agosto.
“La Niña is expected to develop after a period of El Niño Southern Oscillation-neutral (ENSO-neutral) conditions, where neither El Niño nor La Niña conditions are prevalent,” aniya.