PAPALO sa 46 degrees Celsius ang heat index sa Virac, Catanduanes bukas, Marso 19, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Pinayuhan naman ng Pagasa ang mga residente na gumawa ng mga hakbang upang maibsan ang epekto ng init, na saklaw na ng “danger category.”
Kabilang dito ang pag-inom ng maraming tubig; pag-iwas sa tsaa, kape, softdrinks at alak; pagsusuot ng mga maninipis na damit; paggamit ng payong at sumbrero kung lalabas; pagtatrabaho sa labas ng bahay kapag hindi na matindi ang init; at pagbabawas ng oras na gugugulin sa labas.
Ang heat index ay ang init na nararamdaman na katawan ng tao at kadalasang mas mataas sa air temperature.
Ang temperatura na mula 42 hanggang 51 degree Celsius, dagdag ng Pagasa ay maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, at maging heat stroke.