UMABOT na sa 141 ang kabuuang bilang na nasawi dahil sa pananalasa ng magkasunod na bagyong Kristine at Leon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Huwebes.
Nasa 14 na ang kumpirmadong nasawi dahil sa bagyo habang patuloy pang bina-validate ang 127 iba pa.
Samantal, umakyat na rin ang bilang ng mga nasugatan sa bagyo sa 86 habang 21 pa ang patuloy na pinaghahanap.
Umakyat naman sa 1,892,226 bilang ng mga apektadong pamilya ang naitala sa may 10,921 barangays sa 17 rehiyon, o kabuuang 7,494,023 indibidwal.
Nakapagpalabas na rin ang pamahalaan ng kabuuang tulong na nagkakahalaga ng P895 milyon.