UMABOT na sa 33 ang bilang ng mga nasawi bunsod ng matinding pagbaha at landslides na dulot ng habagat na pinalakas pa ng Suer Typhoon Carina.
Sa report ng pulisya, 11 ang naitalang nasawi sa Metro Manila, 12 sa Calabarzon at 10 naman sa Central Luzon, kabilang na ang crew ng oil tanker na lumubog sa Bataan nitong Huwebes.
Karamihan sa mga nasawi ay dahil sa pagkalunod, landslides, nabagsakan ng puno at pagkakuryente.
Ang Super Typhoon Carina, ang ikatlong bagyo na tumama sa Pilipinas ay nakalabas na ng bansa nitong Huwebes at ngayon naman ay nanalasa sa Taiwan.
Libo-libo ring mga kabahayan ang nasira ng bagyo.