TINIYAK ngayong Biyernes ni Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na kumikilos ang pamahalaan para matulungan ang mga biktima ng bagyong Odette sa harap ng matinding pinsalang dala nito sa Visayas at Mindanao.
“Government is assisting round the clock those affected by Typhoon Odette,” sabi ni Nograles.
Base sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nakataas pa rin ang signal number 3 sa hilangang bahagi ng Palawan, kasama na ang Cagayancillo at Cuyo Islands, at Guimaras, katimugang bahagi ng Iloilo at katimugang bahagi ng Antique .
“The National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) in its December 17, 2021, 8AM Situational Report, mentioned a total of 83,026 families or 332,855 persons have been pre-emptively evacuated in Region 6, Region 7, Region 8, Region 9, and CARAGA. There are 4,989 displaced families or 14,680 persons inside 192 evacuation centers in Region 5, Region 6, Region 8, Region 10, and CARAGA,” dagdag ni Nograles.
Samantala, umabot sa 62 lungsod at munisipalidad ang nawalan ng kuryente. Nagpapatuloy naman ang ginagawang pagkilos ng mga kaukulang ahensiya para agad na maibalik ang suplay ng kuryente.
“We reiterate our call to the public to continue to remain vigilant, stay safe and dry, and cooperate with local authorities to ensure everybody’s safety,” ayon pa kay Nograles.
Aniya, patuloy rin ang pamamahagi ng relief pack ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).