NAHAHARAP ang anim na lugar sa bansa sa “dangerous” heat index ngayong Sabado, ayon sa weather bureau.
Posibleng pumalo mula 42 hanggang 51 degrees Celsius ang heat index sa anim na lugar sa bansa, na ikinokonsiderang “mapanganib” at magdulot ng heat exhaustio, cramps at heatstroke.
Ang heat index ang tumutukoy kung gaano ang init na kayang indain ng isang tao bago ito maging mapanganib.
Ayon sa taya ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa), posibleng umabot sa 43 degrees Celsius ang heat index sa Catarman, Northern Samar at Aborlan, Palawan.
Samantala, aabot sa 42 degrees Celsius naman ang inaasahan sa San Jose, Occidental Mindoro; Puerto Princesa, Palawan; Masbate City, Masbate at Dumangas, Iloilo.