INAASAHANG lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Paeng Lunes ng hapon o gabi matapos maghasik ng lagim sa bansa sa mga nakalipas na araw na ikinasawi ng kulang-kulang 100 tao.
At habang papalabas si “Paeng”, nakapasok naman na sa PAR ang panibagong tropical depression na si “Queenie”.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), namataan si “Paeng” 320 kilometro kanluran timogkanluranng Iba, Zambales, o 340 kilometers kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.
Si “Queenie” naman ay kumikilos kanluran timogkanluran na may bilis na 10 kilometro kada oras.