‘Ofel’ nakapasok na sa PAR, magpapaulan sa Northern Luzon

NAPASOK na sa Philippine Area of Responsibility ang tropical storm na si Ofel (international name Usagi) ngayong Martes, ayon sa weather bureau.

Moderate hanggang sa matinding pagbuhos ng ulan ang idudulot ni Ofel at ng Severe Tropical Storm Nika sa Ilocos Norte, Cagayan, at Batanes.

Sa 5 a.m. weather update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), taglay ni “Ofel” ang hangin na may lakas na 75 kilometers per hour (KPH) malapit sa gitna at may pagbugsong hanggang 90 kph.

Namataan si “Ofel” 1,170 km. silangan ng timog-silangang Luzon alas-4 ng madaling araw.

Posibleng mag-landfall ang bagyo sa Northern o Central Luzon Huwebes ng hapon o gabi at tinatayang maging typhoon ito sa Miyerkules.

Samantala, huling namataan naman si “Nika”185 km. kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte alas-4 ng madaling araw na may taglay na hangin na 95 kph malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 11 kph.

Inaasahan lalabas ng bansa si “Nika” sa mga susunod na oras.

Nananatiling nasa tropical cyclone wind signal no. 1 ang Ilocos Norte, northern portion ng Ilocos Sur (Lidlidda, City of Candon, Galimuyod, Banayoyo, Burgos, Santiago, Santa Maria, San Esteban, Nagbukel, Narvacan, Caoayan, Santa, Bantay, City of Vigan, Santa Catalina, San Vicente, San Ildefonso, Santo Domingo, Magsingal, Cabugao, San Juan, Sinait), northern portion ng Apayao (Kabugao, Pudtol, Luna, Santa Marcela, Calanasan, Flora), northern at western portion ng Abra (Tineg, Lagangilang, Bucay, Villaviciosa, Lagayan, San Juan, La Paz, Danglas, Pilar, San Isidro, Peñarrubia, Tayum, Dolores, Bangued, Pidigan, Langiden, San Quintin), western portion ng Babuyan Islands (Calayan Is., Dalupiri Is., Fuga Is.), at northwestern portion ng mainland Cagayan (Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Claveria).