MAKARANAS ng maulan na panahon ang ilang bahagi ng northern Luzon sa susunod na linggo.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), posibleng bumuhos ang ulan sa mga rehiyon ng Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at sa lalawigan ng Aurora.
Samantala, ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay magkaroon ng ilang pagkidlat o pagkulog mula hapon hanggang gabi dahil sa easterly winds.
Kaugnay nito, umulan na may kasamang yelo sa ilang bahagi ng Quezon City nitong Miyerkules.
Naganap ang pag-ulan ng hail, na kasinglaki ng limang sentomong barya, alas-3:20 ng hapon.
Laking-gulat na lamang ng mga taga-Barangay Bungad sa naranasan.
“Akala namin may mga nambabato, ‘yun pala yelo na bumabagsak sa langit. Nakakatuwa po kasi first time namin makakakita,” ayon sa isang residente.