PATULOY na uulanin ang maraming bahagi ng northern at central Luzon ngayong Martes dulot ng southwest monsoon o habagat, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Asahan na magdadala ng maulap na papawirin, pakulog at pagkidlat at mga pag-ulan sa Ilocos region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Aurora, Zambales at Bataan.
Sa Metro Manila naman ay makararanas ng katamtaman hanggang sa maulap na papawirin na may pag-ulan at kulog at pagkidlat dala ng habagat at localized thunderstorm, dagdag pa ng Pagasa.
Pinaalalahanan din ng weather state bureau ang publiko na mag-ingat sa posibleng flash flood at landslide dala ng mga pag-ulan.