‘Nika’ severe tropical storm na, posibleng maging typhoon din

ISANG severe tropical storm na si “Nika” at mabilis itong kumikilos dahilan para itaas pa ang antas nito sa typhoon ngayon ding Linggo, ayon sa weather bureau.

Huling namataan si “Nika” 690 kilometers silangan ng Infanta, Quezon. May taglay itong hangin na 100 kilometer per hour at pagbugsong hanggang 125 kph.

Tinatahak nito ang pahilga-hilagangkanluran sa bilis na 30 kph.