NDRRMC sa publiko: ‘Odette’ paghandaan

HINIMOK ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang publiko na maghanda sa posibleng pananalasa ng bagyong “Odette” ngayon na inaasahang papasok ito sa bansa.

“Posibleng maging severe tropical storm ang bagyong Odette at maaaring umabot sa typhoon category,” sabi ng NDRRMC sa isang pahayag.

Nauna nang nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng pumasok si Odette sa Philippine Area of Responsibility ngayong Martes.

“Magdadala ito nang malalakas na hangin sa Visayas, malaking bahagi ng Mindanao, at ilang probinsya sa Southern Luzon na makararanas din ng mga pag-ulan,” sabi ng NDRRMC.