MANANATILING maulan ang Metro Manila at maraming bahagi ng Luzon ngayong Miyerkules dulot ng southwest monsoon o habagat na nakakaapekto sa Luzon at Visayas, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa weather bulletin na inilabas alas-4 ng umaga, sinabi ng PAGASA na apektado pa rin ng pag-ulan dala ng habagat ang Zambales at Bataan na posibleng magdulot ng pagbaha at landslides.
Occasional rain shower naman ang mararanasan ng Metro Manila, Ilocos Region, Pampanga, Bulacan, at Occidental Mindoro, habang magiging maulap ang papawirin na may manaka-nakang pag-ulan at pagkidlat sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, CALABARZON, at natitirang bahagi ng Central Luzon, at MIMAROPA.
Ang kabuuan ng bansa ay makararanas naman ng bahagyang pag-ulap na may kasamang pag-ulan at thunderstorm.