MAGDUDULOT ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa Surigao del Sur.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), patuloy ang tuloy-tuloy na pag-uulan sa maraming bahagi ng Surigao del Sur.
Ang LPA ay huling namataan sa layong 135 kilometers East Northeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Ngayong araw March 7 ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Bicol Region, Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Davao Region, Marinduque, at Romblon.
Sa Metro Manila naman at sa nalalabing bahagi ng bansa, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang iiral.