POSIBLENG ang mga lugar na pinadapa ng mga bagyong “Kristine” at “Leon” ang siya ring maapektuhan ng Tropical Storm na “Marce”, ayon sa pagtataya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Lunes.
“Marce’s track is in the middle of Kristine and Leon’s track. Those in areas affected by the two cyclones should prepare as these are the same areas that may be affected by Marce,” ayon sa Pagasa.
Huling namataan ang bagyo 775 km. silangan ng Borongan City, Eastern Samar alas-1o ng umaga. Umuusad ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 35 km. per hour (kph).
Inaasahang mag-landfall si Marce sa Babuyan Islands o mainland northern Cagayan Huwebes ng gabi o Biyernes ng umaga.